top of page

ABU SAYYAF GROUP MEMBER, SUMUKO SA MILITAR SA TIPO-TIPO, BASILAN

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Sumuko ang bente tres anyos na si Alyas Madz, miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Bravo Company ng 18th Infantry Battalion sa Barangay Silangkum, Tipo-Tipo, Basilan Province noong September 7.


Kasabay din nitong isinuko ang kanyang M1 Garand rifle.


Ayon sa militar, si Alyas Muadz ay kabilang sa Abu Sayyaf Group sa ilalim ni Furuji Indama.


Sumailalim din si Alyas Muadz sa custodial debriefing na isinagawa ng 18IB.


Pinuri naman ni LT GEN Alfredo Rosario Jr. ang militar sa kanilang pagsisikap na laban ang terorismo at nananawagan din sa iba pang mga violent extremists na sumuko na at magbagong buhay.


Naging matagumpay ang pagsuko ni Alyas Muadz dahil sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa militar.

0 views
bottom of page