top of page

Additional na 57 Barangays sa North Cotabato makakabenipisyo sa programang SBDP ng PTF-ELCAC

Amor Sending | iNEWS | November 15, 2021



Photo courtesy : Provincial Government of North Cotabato


Cotabato City, Philippines - Bilang bahagi ng inisyatibong pangkapayapaan ng Pamahalaan, karagdagang limampu't-pitong barangay mula sa lalawigan ng North Cotabato ang mabibigyan ng proyekto na ipapatupad sa ilalim ng Support to Barangay Development Program ng National Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict-


Ito ay base sa ginanap na 4th Quarter Provincial Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) meeting noong Biyernes, ika labing dalawa sa buwan ng Nobyembre, sa lungsod ng Kidapawan.


Ayon kay Governor Nancy A. Catamco abot sa P320M proyektong pangimprastraktura para sa labing anim na barangay ang nakapagsimula na ngayong taon. Mas marami na rin umano ang mga SUMUKO AT NABAWASAN ANG MGA SAGUPAAN bunga ng pagsisikap at pagtutulungan ng mga sundalo, pulis, nasyunal at ng mga lokal na opisyal.


Bukod sa Support to Barangay Development Program, tinalakay rin sa naturang pagpupulong ang ulat hinggil sa implementasyon ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP sa Probinsya pati na ang panukala hinggil sa pagsasagawa ng North Cotabato People's Summit-


Para naman sa mga nalalabi pang baranggay na unang napasailalim ng progrmang Elcac, isang Serbisyo Caravan ang isasagawa.

15 views
bottom of page