top of page

ADMINISTRATIVE CAPITAL NG BARMM


Photo Courtesy: BTA BARMM

PANUKALANG PAGLIPAT SA ADMINISTRATIVE CAPITAL NG BARMM MULA SA COTABATO CITY PATUNGONG MAGUINDANAO DEL NORTE, HINIMAY SA ISINAGAWANG INTERPELLATION


Bangsamoro Autonomous Region - Hinimay sa pagsisimula ng interpellations hinggil sa panukalang paglipat sa administrative capital ng BARMM mula sa Cotabato City patungong Maguindanao del Norte ang mga usapin hinggil sa

selection criteria para sa bagong government center, efficiency at accessibility ng lokasyon, availability of funds, pagkakaroon ng Committee hinggil sa Establishment ng Administrative Capital.


Itinuloy kanina ang interpellations sa itinutulak na proposed measure.


Inilatag kanina ang committee at individual amendments sa Parliament Bill No. 43 o ang panukalang batas hinggil sa paglipat sa administrative capital ng BARMM mula sa Cotabato City patungong Maguindanao del Norte.


Kahapon, hinimay sa interpellations ng mga mambabatas ang mga usapin hinggil sa selection criteria para sa bagong government center, efficiency at accessibility ng lokasyon, availability of funds, pagkakaroon ng Committee hinggil sa Establishment ng Administrative Capital.


Ayon kay Floor Leader Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, ang lokasyon at accessibility, land availability and sustainability, infrastructure and utilities, economic, institutional, and social services, social and political accessibility, peace and order conditions, and the potential para mapabuti ang BARMM development ang ilan sa mga criteria na naging basehan sa selection process.


Ilan sa lokasyon na kinokonsidera ng BTA parliament ay ang Parang, Maguindanao del Norte.


Kapag naisabatas, matatagpuan sa bagong Bangsamoro Government Administrative Center ang lokasyon ng tanggapan ng Office of the Chief Minister, Bangsamoro Parliament, gayundin ang ministries, offices, at agencies.

3 views0 comments

Recent Posts

See All