top of page

AFP, INALALA ANG MGA SUNDALO NA NAGBUWIS NG BUHAY SA MARAWI SEIGE SA IKA 5 TAONG MARAWI LIBERATION

Anne Santos I iMINDSPHILIPPINES


Sa Marawi City, nag-alay ng mga bulaklak ang Armed Forces of the Philippines bilang pag -alala sa mga sundalong nagbuwis ng buhay sa Marawi Seige. October 17, 2022, limang taon na ang nakalilipas nang lumaya ang Marawi City mula sa kamay ng mga terorista matapos ang limang buwan na sagupaan.


Photo courtesy: AFP


Sa Taguig City naman, sinariwa ang naging operasyon ng iba’t ibang unit ng militar laban sa Maute group. Sa pamamagitan ng exhibit, ipinakita ang mga military equipment na ginamit ng AFP sa operasyon.


Ayon kay Marawi City Mayor Majul Gandamra, simula nang lumaya ang syudad mula sa mga terorista, tuloy ang natatamasa nilang kapayapaan sa lugar.


Sinabi rin ng alkalde na maraming mga mahalagang public infrastructure ang naipatayo sa nakalipas na limang taon.


Nanatili namang nakatutok ang militar sa pagsigurong mananatili ang kapayapaan sa lugar at hindi na magkaroon pa ng pagkakataon ang mga terorista na makapagre-organisa at mamayani muli sa lungsod.


End


0 views
bottom of page