top of page

AGILA A2F TEAM, NAGSAGAWA NG MONITORING SA BAYAN NG DATU ABDULLAH SANGKI

Amor Sending | iNews | January 6, 2022

Courtesy: AGILA A2F TEAM


Cotabato City, Philippines - Sa pangunguna ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu, walang patid ang Agila A2F team sa pagsubaybay sa mga lupain sa Probinsya na pagtataniman ng mga palay.


Sa katunayan, kahapon, araw ng Miyerkules January 5, nang magtungo ang team Brgy. Guinibon, sa bayan ng Datu Abdulah Sangki, Maguindanao upang magsagawa ng monitoring sa 135 ektarya ng lupain.


Ang naturang lupain ay ang magsisilbing pagtataniman at produksyon ng palay ng mga magsasakang nakatira sa lugar.


Ang AGILA ARMS TO FARM PROGRAM ay ilan lang sa mga programang patuloy na isinusulong ng Agila ng Maguindanao upang makamit ang mapaya, maunlad at maliwanag na Makabagong Maguindanao

3 views
bottom of page