top of page

AGILA ARM TO FARM


Photo Courtesy: BABAI A KASALIGAN

FARMER BENEFICIARIES NG AGILA ARM TO FARM PROGRAM SA BAYAN NG TALAYAN AT SHARIFF AGUAK, HINADUNGAN NG BINHI NG PALAY AT PAMATAY DAMO NG PROVINCIAL GOVERNMENT NG MAGUINDANAO DEL SUR


Maguindanao del Sur - Hinandugan ng binhi ng palay at pamatay damo ang mga farmer-beneficiaries ng Agila Arm to Farm Program sa bayan ng Talayan at Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.


Pinagkalooban ng Agila Arm to Farm Program ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ng binhi ng palay at pamatay damo ang mga miyembro ng 105TH Base Command ng BIAF MILF sa ilalim ng pamumuno ni kumander Haun Sindatok.


Ang mga miyembro nito na sina Alimudin Kamid ng BarangayLinamunan, Talayan at Ebrahim Bandao ng Labu-Labu, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur ang bagong benepisyaryo ng programa.


Hangad ng Agila ng Maguindanao na maging sapat ang suplay ng pagkain sa buong lalawigan at maging sa buong rehiyon. Ito ay sa aktibong suporta at initiatiba ng Unang Ginoo at dating Gobernador at Kongresista Datu Teng Mangudadatu.

2 views0 comments

Recent Posts

See All