AGILA ARM TO FARM

MIYEMBRO NG MILF 105TH AT 106TH BASE COMMAND NA MGA BENEPISYARYO NG AGILA ARM TO FARM PROGRAM, PINAGKALOOBAN NG HIGHLY CORN SEEDS AT HERBICIDES
Maguindanao del Sur - Pinagkalooban ng high quality corn seeds at herbicides ang mga miyembro ng 105th at 106th Base Command ng MILF na benepisyaryo ng Agila Arm to Farm ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur.
Ang grupo nina Datu Acob Sangki ng 106th Base Command ng BIAF-MILF sa Barangay Wato, Rajah Buayan at grupo ni Haun Sindatok ng 105th Base Command, BIAF-MILF sa Barangay Lepok, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur ang panibagong napagkalooban ng quality corn seeds at herbicides.
Sila ang mga benepisyaryo ng Agila Arm To Farm Program ni Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na suportado ng dating gobernador at kongresista ng Sultan Kudarat Province, Unang Ginoo Datu Teng Mangudadatu.
Ang tulong ay ipinaabot ni Team Agila A2F Director at Board Member Datu Frank Piang Mlok. Hangad ng gobernador ang tuloy-tuloy na pagsulong sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan sa lalawigan.