top of page

AGILA-PATROL Motorcycle, ipinamahagi sa mga barangay ng Guindulungan, Talayan, DAM at DHA

Kate Dayawan | iMINDS Phils | February 23, 2022

Photo courtesy : Makabagong Maguindanao


Cotabato City, Phils - Nanguna si Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa pamamahagi ng Agila-Patrol motorcycle sa mga barangay ng Guindulungan, Talayan, Datu Anggal Midtimbang at Datu Hoffer Ampatuan.


Layunin ng pamamahaging ito na mas mapabilis ang pagbibigay serbisyo publiko ng mga ito lalo na sa mga liblib na mga barangay sa lalawigan.


Kasama ng Agila ng Maguindanao sa pamamahaging ito sina Talayan Mayor Datu Ali Midtimbang, incoming Mayor Tungkang Midtimbang, incoming Board Member Nathaniel Midtimbang at Datu Hoffer Ampatuan Mayor Baibong M. Ampatuan.


Taos puso namang nagpapasalamat sa mga natanggap na motorsiklo ang mga punong barangay mula sa apat na bayan ng Maguindanao kay Gov. Mariam.


End.


16 views
bottom of page