AGRICULTURAL FARM MACHINERY| EQUIPMENT

Photo Courtesy: BARMM Chief Minister Ahod B. Ebrahim
Pinagkalooban ng BARMM Government ng mga agricultural farm machinery at equipment ang mga barangay na sakop Special Geogrpahic Area.
Pinangunahan ni Chief Minister Ahod "Al Haj Murad" Ebrahim ang ceremonial turnover ng agricultural farm machinery at equipment para sa mga barangay sa Special Geographic Areas (SGA) na bahagi ng Bangsamoro Integrated Rehabilitation and Development (BIRD) Program.
Isinagawa ito kahapon sa Bangsamoro Government Center compound sa Cotabato City.
Ang turned-over ng livelihood units ay kinabibilangan ng 45,840,000 na halaga ng agricultural machinery at implements, at 38,400,000 na halaga ng 300 units na motorized banca na mayroong fish nets.
Mayroon ding 5 units ng tractor para sa rice production, 5 units ng mechanical rice transplanters, 5 units ng rice harvester, 5 units ng tractor para sa corn production, 5 units ng corn harvester, 8 units ng trailer para sa combine harvesters
Layon ng mga ahensiya na mapanatili ang economic at livelihood projects sa 63 barangays ng SGA, at umunlad ito bilang isang produktibo at mapayapaang komunidad.