AHME SCHOLARS SA TAWI-TAWI

APLIKASYON PARA SA 100 SLOTS NG AHME SCHOLARSHIP PRORAM NG MBHTE SA TAWI-TAWI, NAGPAPATULOY; MAHIGIT 300 ISKOLAR, DUMALO SA MEET AND GREET KASAMA ANG MBHTE
Tawi-Tawi - Tuloy ang pagtanggap ng aplikasyon ng MBHTE sa isang daang slots para sa 4th cohort sa probinsya ng Tawi-Tawi. Mahigit tatlong daang iskolar ng Access to Higher and Modern Education (AHME) Scholarship Program ang dumalo sa meet and greet ng MBHTE na pinangunahan ni Minister Mohagher Iqbal.
Mahigit tatlong daang iskolar ng Access to Higher and Modern Education (AHME) Scholarship Program sa Tawi-Tawi ang dumalo sa meet and greet ng MBHTE na pinangunahan ni Minister Mohagher Iqbal.
Kasama ni Minister Iqbal sa pagbisita sina Asst. Regional Cabinet Secretary Atty. Sittie Mariam Balahim, Chief Legal Officer Atty. Mojahid Guro, Director Generals Abdullah Salik, Jr. (Basic), Prof. Tahir Nalg (Madaris), Ruby Andong (Technical), at Marjuni Maddi (Higher).
Mahigit apat na raan ang iskolar ng AHME sa probinsya at nagpapatuloy pa ang pagtanggap ng aplikasyon ng MBHTE sa isang daang slots para sa 4th cohort sa lalawigan.