Mr. Jay M. Lasola Jr. | iNEWS Philippines | March 21, 2022

Photo courtesy : News.Abs-Cbn.com
Cotabato City, Philippines - Namaalam na ang Alaska Aces sa 35 Season Run ng PBA noong sabado ng gabi March 19, 2022, nang ito ay matalo sa NLEX Road Warriors, sa quarter final ng 2021 PBA Governor’s Cup. Ang Alaska ay pumasok sa playoff bilang No. 7 seed matapos itong makapagtala ng 6-5 slate sa elimination rounds, at naging underdog sa malakas na No.2 NLEX.
Kinailangang talunin ng Aces ang Road Warriors para manatili sa conference ngunit bigo ang koponan na magawa nang matalo sa score na 96-80. Nakuha ng Road Warriors ang last spot sa Governor’s Cup Final 4, kasama ang Top Seed Magnolia, No.4 Meralco, at No. 6 Barangay Ginebra.
Ang Alaska sumali sa PBA, noong 1986, nagkamit ng 14 na championship kasama ang grand Slam noong 1996 season.
End.