Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Wagi ang Dise siete anyos na Pinoy Tennis player na si Alex Eala sa katatapos lamang na US Open Girls' Single kahapon sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Flushing Meadows, New York City.
Isa rin itong makasaysayang tagumpay para sa bansang Pilipinas dahil si Eala ang kauna-unahang Pilipinong tennis player na nagkampeon sa isang Grand Slam event.
Nakapagtala si Eala ng limang double faults, ngunit hindi ito halos naramdaman matapos makalikom ng kabuuang 60 points at pinataob ang pambato ng Czech Republic na si Lucie Havlickova na may kabuuang 41 puntos lamang.
Ito na ang ikatlong tatlong Grand Slam title ni Eala kung saan ang dalawa pa rito ay nasungkit niya sa dalawang doubles event noong 2020 sa Australian Open at 2021 French Open.