top of page

ALKALDE NG PANDAG, MAGUINDANAO, INARESTO NG CIDG BARMM SA DAVAO CITY SA KASONG MURDER

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Sa bisa ng Warrant of Arrest, inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit BAR si Pandag, Maguindanao Mayor Kaddafe “Toy” Mangudadatu nitong sabado,September 10, sa isang Hotel sa Davao City dahil sa kasong murder.


Ang Warrant of Arrest ay inisyu ni Judge Samina Sampaco Macabando-Usman, Pairing Judge ng 12th Judicial Region, RTC Branch 20, Tacurong City, Sultan Kudarat.


Ayon sa CIDG-BAR, ang kaso ay may kaugnayan sa pagkakapaslang sa mag-asawang Abdulah Ligawan at Lala Ligawan noong October 7, 2010 sa may Purok 6, Barangay Sinakulay, President Quirino, Sultan Kudarat kung saan isa ang alkalde sa apat na pinaniniwalaang suspek sa nangyaring krimen.


Kasalukuyang nasa pagamutan ang alkalde matapos nahirapan sa paghinga at kasalukuyan pa ring minomonitor ang kalagayan nito.


Nasa constructive custody na ng CIDG RFU BAR si Mayor Mangudadatu habang hinihintay ng mga ito ang abiso ng doktor.


Katuwang ng CIDG RFU BAR sa paghahain ng warrant of arrest ang CIDG Davao CFU, Maguindanao PPO, Sultan Kudarat PPO at CMFC Davao City Police Office.



43 views
bottom of page