top of page

ALTERNATIVE DELIVERY MODES


Nilinaw ng Department of Education na maaaring ipatupad ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang alternative delivery modes o ADM bunsod ng tumitinding init ng panahon.


Sa nararanasang matinding init ng panahon, sinabi ng Department of Education na maaaring ipatupad ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang alternative delivery modes o ADM.


Photo Courtesy: Presidential Communications Office


Dagdag pa ng kagawaran, sakop ng ADMs ang pagpapatupad ng online at modular learning kapag hindi na komportable ang mga mag-aaral at guro sa kanilang silid-aralan dahil sa tindi ng init na inaasahan sa mga darating na araw.


Ayon naman sa Federation of Parents-Teachers Association, dapat i konsidera ng DEPED ang paglalagay ng conditioners sa lahat ng silid aralan imbes na gawin ang ADM o ibalik ang dating school calendar kung saan ang school breaks ay mula Abril hanggang Mayo.


Ayon sa ahensiya, pag-aaralan nila at i-assess ang posibleng revertin ng school breaks sa summer season kasunod ng panawagan ng ilang grupo at mambabatas kasunod ng mga naiulat na insidente ng heat exhaustion sa ilang paaralan.


Sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration’s (PAGASA) lumalabas sa forecast heat index na maraming lugar sa bansa ang masasailalim sa “extreme caution” levels, habang ang iba naman ay aabot sa “danger” levels, mula Lunes hanggang Biyernes ngayong linggo.


8 views0 comments