FIONA FERNANDEZ

SOUTH COTABATO — Arestado ang isang tatay sa matapos na aksidenteng mapatay ang kaniyang sariling anak na pasado alas dos ng madaling araw noong May 31 sa Surallah, South Cotabato.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang suspek na kinilalang si Edwin Abajay, kwarenta y dos anyos, residente ng Brgy Centrala ay lunod na sa alak nang mangyari ang insidente.
Sinubukan umano nitong tawagan ang kaniyang miss na nasa abroad at nang hindi macontact-
Kumuha ito ng baril at babarilin sana ang kaniyang sarili ngunit tumama ito sa mukha ng kaniyang anak dahil sa kalasingan.
Kaagad isinugod ang biktima sa pagamutan pero idineklara na itong dead on arrival.
Nagtangka pang tumakas ang tatay ng bata pero nahuli din ng pulisya sa kanilang isinagawang pursuit operation at nakumpiska ang caliber .38 revolver.
Sa ngayon, nahaharap na ang suspek sa kasong Parricide at na kustodiya na ng Surallah PNP.