top of page

AMERIL PRIVATE ARMED GROUP, BOLUNTARYONG SUMUKO SA PNP SA TALITAY, MAGUINDANAO

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 25, 2022

Photo courtesy : PNP PRO BAR


Cotabato City, Philippines - Kusang loob na sumuko ang lider ng Ameril Private Armed Group kasama ang apat nitong miyembro sa Barangay Poblacion, Talitay, Maguindanao noong Miyerkules, March 23.


Naging maayos ang pagsuko ng mga ito sa tulong ng PRO BAR- RTG-DPAGs sa pangunguna ni PCol Jeffrey Fernandez, Deputy Regional Director for Operation, Regional Intelligence Division; Maguindanao Police Provincial Office; Regional Intelligence Unit 15; 1st Mechanized Brigade Armored Division – Philippine Army; at Talitay Municipal Police Station.


Ang lider ng grupo na si Sidik Ameril ay dating Assemblyman ng 2nd District ng Maguindanao sa ilalim ng UNA Party.


Sa report mula sa PRO BAR, napagdesisyunan umanong sumuko ng nasabing PAG upang malinis ang kanilang mga pangalan mula sa PNP DI-List ng mga aktibong PAG at upang makapagbigay ng kontribusyon para sa isang ligtas, tama, patas at malayang halalan sa Mayo a nwebe.


Bitbit ng Ameril PAG sa kanilang pagsuko ang isang M14 rifle, isang Ultimas rifle, isang M16 A1 rifle, isang Homemade Grenade Launcher at isang M1 Carbine.


Noong a uno ng Disyembre 2021, una nang sumuko ang anim na miyembro ng nasabing PAG.


Ang mga isinukong armas ay isasailalim sa beripikasyon ng Regional Civil Security Unit at kalauna’y ititurn-over sa Regional Forensic Unit – BAR para sa ballistics at cross-matching examinations para sa proper disposition.


End.







6 views
bottom of page