top of page

ANAK NI MANNY PACQUIAO NA SI MICHAEL, WAGI SA UNANG SABAK SA AMATEUR FIGHT BOXING SA PARAÑAQUE

Fiona Fernanedez I iMINDSPHILIPPINES


Naging matagumpay ang unang pagsabak ni Michael Pacquiao, ang anak ng boxing icon na si Manny Pacquiao sa combat sports.


Sa report mula sa ABS CBN News, na-outpoint ni Michael ang kalaban nitong si Nathaniel Ruiz sa kanilang amateur bout

Google photos


na ginanap sa BF Parañaque Phase 1 Gymnasium noong Linggo.


Ang laban ay parte ng Kamao ng Kabataan: Parañaque Edition card.


Si Michael ang pangalawa sa mga anak ni Pacquiao na nagpasya na sundan ang yapak ng kanilang ama.


Ang kanyang kapatid na si Jimuel ay sumabak din sa boxing, na nagsasanay ngayon sa sikat na Wild Card Boxing Gym ni Freddie Roach.


Wala pang update sa susunod na laro ni Michael.


Aasahan namang muling makikita sa loob ng ring si Manny Pacquiao sa kanilang exhibition match ni DK Yoo ng South Korea.


End

5 views
bottom of page