Kristine Carzo | iNEWS | October 1, 2021
Cotabato City, Philippines - Sa report mula sa bureau of fire protection Cotabato, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga opisyal ng Mother Barangay Bagua Cotabato City na mayroong nagaganap na sunog sa lugar.
Pagsapit ng mga bombero, malaki na ang apoy at bigo na ang BFP na maisalba ang apartment na pagmamay-ari ni Mampen Usman.
Pasado alas kwatro kaninang madaling araw nang lumiyab ang nasabing apartment.
Bukod sa apartment na tinupok, nasunog rin ang tatlumpong mga bahay kung saan nakatira ang dalawampung pamilya.
Sa report ng BFP abot sa 850,000 pesos ang halaga ng mga ari-ariang tinupok.
Wala namang nasugatan o nasaktan sa naganap na sunog.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng BFP sa naging sanhi ng naganap na sunog.
