top of page

Apat na indibidwal natagpuang walang malay sa loob ng kanilang sasakyan.

Kristine Carzo | iNEWS | September 28, 2021


Cotabato City, Philippines - Pasado ala-una ng hapon kahapon araw ng Lunes, ng makatanggap ng tawag ang Datu Montawal PNP mula sa isang concerned citizen na mayroong natagpuang apat na indibidwal na walang malay sa loob ng kanilang sasakyan sa kahabaan ng Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao .


Kinilala ang mga biktima na sina Vanessa Escaner, Jayson Escaner, Mary Jane Barcenilla at Juanito Tolemea na pawang mga residente ng Midsayap North Cotabato.


Sa report mula kay Police Lt. Nurjhasier Sali, Chief of Police ng Datu Montawal MPS, walang malay at bumubula ang bibig ng mga indibwal na sakay ng isang kulay pulang kotse na may palakang POH 407 ng ito ay datnan ng mga pulis.


Agad na kinuha ng mga otoridad ang mga biktima at dinala sa pinaka malapit na pagamutan.


Kinumpirma naman sa Iminds Philippines ni PLT. Nurjhasier Sali na buhay ang mga ito.


Nasa pagamutan pa ang apat na indibidwal habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng otoridad.




521 views
bottom of page