top of page

4 BIFF, sumuko sa militar sa Maguindanao

Updated: Sep 8, 2021

Kristine Carzo | iNEWS | September 7, 2021


Cotabato city, Philippines - Dala-dala ang kanilang mga armas, buong pusong nagbalik-loob sa pamahalaan ang apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figters Karialan Faction mula sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao ang sumuko sa militar.


Humarap ang mga miyembro ng teroristang grupo kay 1st Brigade Combat Team Commander, Brigadier General Ignatius Patrimonio, kasama sina Ampatuan, Maguindanao Mayor Baileah Sangki sa Old Capitol, Brgy. Satan, Shariff Aguak, Maguindanao.


Kabilang sa kanilang armas na isinuko ang apat na matatas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng Dalawang (2) 7.62mm sniper rifles, isang (1) 5.56mm Ultimax Sub-machine gun, at isang (1) cal .50 Barret.


Pinuri naman ni Major General Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry (KAMPILAN) Division ang 1st Brigade Combat Team dahil sa tagumpay na ito.


Tatanggap ng livelihood assistance ang mga armadong grupo na nagbalik-loob sa gobyerno sa ilalim ng Agila Haven program ng Provincial Government ng Maguindanao.




8 views
bottom of page