APPROVED INVESTMENTS SA BARMM

RBOI, INANUNSYO ANG BAGONG P1B APPROVED INVESTMENTS SA BARMM
Bangsamoro Autonomous Region - Inanunsyo ng Regional Board of Investments ang pinakabagong approved investments sa rehiyon na umabot ng mahigit isang bilyong piso.
Patuloy ang paglagyo ng pamumumuhan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ayon sa Regional Board of Investments o RBOI.
Inanunsyo ng tanggapan ang bagong approved investments sa rehiyon na umabot ng 1 billion,168 million,834 thousand pesos.
Ayon kay RBOI Chairperson Mohamad Pasigan, bunga ito ng adbokasiya ni Chief Minister Aho Ebraim na‘Moral Governance’ kung saan marami ang nai-engganyo na maglagak ng puhon sa rehiyon.
Kabilang sa mga approved investment projects ang Power-Up Ventures na 100% Filipino-owned corporation. Naglagak ito 551 million ,50 thousand pesos sa petroleum product distribution sa Polloc Port, Parang, Maguindanao Del Norte.
Naglagak din ng 449,730,000 ang Asia Academic Integrated School, na 60% Filipino, 20% Yemeni, at 20% Egyptian ownership sa education services at facilities sa Purveyor’s Village, Rosary Heights XI, Cotabato City.
130,054,000 din ang inilagak ng Cotabato West Bay Eco-Park, isang 100% Filipino investor, na nakatutok sa tourism-related facilities at attractions sa Sitio Timako, Kalanganan II, Cotabato City.
Dumagdag din ang Afrazan Shipping Corporation, isa ring 100% Filipino-owned company, na naglagak ng 78,000,000 para sa cargo shipping sa pagitan ng Tawi-Tawi, Basilan, at Maguindanao.
Sa unang limang buwan ng 2023, inaprubahan ng BBOI ang siyam na bagong proyekto na nagkakahalaga ng 1.77 billion pesos investments, mas mataas sa approved investments kumpara sa kaparehong mga buwan ng nakaraang taon.
Ayon sa RBOI, dalawa pang proyekto ang nakatakdang aprubahan ng tanggapan sa May 31, 2023, na may kabuuang halaga na 2.7-billion pesos, lagpas sa 2.5 billion-investments na target para sa taong 2023.
Ang mga bagong investments ay magbibigay ng 259 job oppornuties sa rehiyon.