top of page

APRUBADO NA SA 2ND READING


Photo Courtesy: BTA BARMM

BTA BILL NO. 43 O ANG PANUKALANG PAGLIPAT NG SEAT OF GOVERNMENT NG BARMM SA PARANG, MAGUINDANAO APRUBADO NA SA 2ND READING


Bangsamoro Aautonomous Region - Aprubado na sa second reading ang panukalang batas na naglalayong ilipat ang seat of government ng BARMM sa Parang, Maguindanao del Norte. Ang pagboto ng mga mambabatas ay isinagawa sa pamamagitan ng viva voche o isa isang paghahayag ng kanilang boto


Pumasa na sa second reading ng parliament ang BTA Bill No. 43. Ito ang panukalang batas na naglalayong ilipat mula sa Cotabato City ang seat of government ng BARMM patungong Parang, Maguindanao del Norte.


Base sa isinasaad sa panukalang batas, ang Committee on the establishment of the seat of government ng BARMM ang magdi-determine ng specific site ng Bangsamoro Government Center.


Kapag naaprubahan, aamiyendahan ng proposed measure ang Book 1, Chapter 2, Section 9 ng Bangsamoro Autonomy Act No. 12 o ang Bangsamoro Administrative Code.


6 views0 comments