APRUBADO NA SA COMMITTEE LEVEL

Aprubado na sa committee level ang panukalang batas na naglalayong ilipat sa Parang, Maguindanao ang administrative capital ng BARMM.
Isinailalim na sa deliberasyon ng Committee on Rules ang mga position papers, komento at rekomendasyon ng iba’t ibang stakeholders hinggil sa BTA Parliament Bill Number 43 o ang paglipat sa administrative capital ng BARMM sa Parang, Maguindanao.
PHOTO COURTESY: BANGSAMORO TRANSITION AUTHORITY PARLIAMENT
Kahapon, April 19, aprubado sa
committee level ang nasabing panukalang batas.
Ang pagkakapili sa bayan ng Parang na maging bagong administrative capital ng BARMM ay base sa isinagawang feasibility study.
Itatayo sa bagong administrative center sakaling maisabatas ang panukala ang tanggapn ng Chief Minister at Wali, Bangsamoro Parliament, Ministries at offices.
Sinabi ni Committee on Rules Chair Atty. Sha Elijah Dumama-Alba na ipi-presenta sa plenary ang committee report sa second regular session sa Mayo.