ARESTADO

5 LALAKI, 3 BABAE NA PAWANG DRUG SUSPECTS, ARESTADO NG OTORIDAD SA BUY-BUST OPERATION SA JOLO, SULU; P680K HALAGA ANG HINIHINALANG SHABU, NAKUMPISKA SA OPERASYON
Jolo, Sulu - Limang lalaki at tatlong babae ng mga drug suspects ang arestado sa ikinasang buy-bust operation sa Jolo, Sulu. Mahigit anim na raang libong halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa operasyon
Kalaboso ang limang lalaki at tatlong babae matapos ang isinagawang buy-bust operation ng otoridad sa Asturias, Jolo, Sulu, a dose ng Mayo.
Kinilala ang mga naaresto sa mga alyas na Rajib, Mike, Trisia, Morasdi, Ibrahim, Ramina, Derhana, at Azim.
Nakumpiska sa posesyon ng mga ito ang labing tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substances na pinaniniwalaang Shabu.
Tinatayang tumitimbang ito ng 10.000 grams at nagkakahalaga ng 68,000.00. Nakumpiska rin ang isa pang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng suspected na may timbang na 0.100 gram at nagkakahalaga ng 680.00 pesos.
Kabilang din sa mga nakuha ang drug paraphernalia; isang unit Rock Island Cal 9mm, isang magazine, anim na mga bala at iba pang ebidensiya.
Haharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591.