top of page

ARESTADO SA BUY-BUST


Photo Courtesy: PRO BAR

2 DI-LISTED DRUG PERSONALITIES, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA JOLO, SULU

Jolo, Sulu - Arestado din ang dalawang DI-Listed Drug Personalities sa Jolo, Sulu matapos ang ikinasang illegal drug bust operation.


Tiklo ng mga elemento ng 4th Regional Mobile Force Company, at Sulu Provincial Police ang dalawang DI-Listed drug personalities sa inilunsad na illegal drug bust operation sa Barangay Alat, Jolo, Sulu, a dise nuembe ng Mayo.


Kinilala ang mga naaresto na sina alyas John, at alyas Min.


Nakumpiska mula sa posesyon ng mga ito ang anim na sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu. Tumitimbang ito ng 2.050 gramo at may standard drug value na 13,940.00.


Nakuha rin sa pag-iingat ng mga ito ang marked money, at iba’t ibang drug paraphernalia.


Ang mga naaresto at mga nakumpiskang ebidensiya ay nasa kustodiya ng Jolo Municipal Police para sa paghahain ng kaso at proper disposition.

5 views0 comments

Recent Posts

See All