top of page

ARESTADO SA CHECKPOINT OPERATION SA SOUTH COTABATO


Dalawang lalaki ang arestado ng otoridad sa isang checkpoint operation sa South Cotabato. Isa sa mga ito ang sugatan matapos, manlaban sa otoridad.


Sinabi ni Joint Task Force Central Commander, Maj. Gen. Alex Rillera, nagsagawa ng checkpoint operation ang mga sundalo sa Dumaguil Advance Post sa ilalim ng 5th Special Forces Battalion matapos makatanggap ng report mula sa Norala Municipal Police Station hinggil sa insidente ng cellphone snatching sa isang kainan malapit sa detachment, a dise otso ng Abril.


Photo Courtesy: West Mindana;o Command,AFP


Sa checkpoint, naharang ang dalawang suspects sa sakay ng motorsiklo. Nang sitahin umano ang mga ito, agad bumunot ng baril ang angkas at pinaputukan ang mga CAA member sa checkpoint kaya napilitang gumanti ang CAA member na ikinasugat ng isa sa mga ito.


Kinilala ng sugatang suspect na si Asim Fahad, 20-anyos. Habang ang driver ay kinilalang si Ramil, 32-anyos, parehong residente ng Salimsi, Buluan, Maguindanao del Sur.


Agad nakipag-ugnayan ang militar sa Norala Police at rumisponde sa lugar kung saan naharang ang dalawa.


Narekober ng otoridad ang isang Cal .38 revolver na mayroong three rounds ng ammunition at isang fired cartridge case. Nakuha rin sa mga ito ang tatlong cellphones na inagaw ng mga ito na positibong kinilala ng mga biktima.


Narekober rin ang isang motorsiklo at dalawang heat-sealed transparent sachets na pinaniniwalaang shabu at tumitimbang ng .062 grams.


Agad namang dinala sa Norala District Hospital ang sugatang suspect habang ang mga narekober na mga ebidensiya ay isinailalim sa inventory at dinala sa Norala MPS para sa documentation at proper disposition.

7 views0 comments

Recent Posts

See All