top of page

ARESTADO SA SEARCH WARRANT


Photo Courtesy: Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region


MAG-AMA SA LANAO DEL SUR NA SINASABING DRUG PEDDLERS AT SANGKOT SA GUN-RUNNING ACITIVIES, ARESTADO


Marawi City -Arestado ang mag-ama na sinasabing drug peddlers at sangkot sa gun-running activities sa Lanao del Sur matapos ihain ng otoridad ang search warrant.


Kalaboso matapos ang ihain ng otoridad sa Lanao del Sur ang search warrant laban sa mag-ama na sinasabing drug peddlers at sangkot sa gun-running activities, a kwatro ng Mayo sa Poblacion, Marawi City.


Ayon sa otoridad ang mga naaresto na kinilala sa pangalang Abdul at Nasif. Sangkot din umano ang mga ito sa illegal supply ng mga armas at bala sa ISIS Local Terrorist Group during Marawi Siege taong 2017.


Nakumpiska ng otoridad sa dalawa ang iba’t ibang uri ng baril, bala at firearm accessories. Ang search warrant ay inisyu ng 12th Judicial Region, RTC Branch 21, Kapatagan, Lanao Del Norte na may petsang April 24, 2023.


Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 10591 o snh "Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at RA 9516, o an act codifying the laws on illegal possession, manufacture, dealing in, acquisition or disposition of firearms and explosives.


Nasa kustodiya ngayon ng CIDG Lanao del Sur ang mga naaresto kasama ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa proper disposition.



6 views0 comments

Recent Posts

See All