ARM TO FARM ROGRAM

Photo Courtesy: Babai A kasaligan
Pinagkalooban ng Agricultural Production Support ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur ang mga BIAF-MILF farmers na Arm to Farm Program beneficiaries sa Datu Saudi Ampatuan at Datu Abdulah Sangki.
Sa patuloy na adhikain ni Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na maging mapayapa, maunlad at masaganang kabuhayan sa bawat kanayunan-
Walang tigil din ang paghahatid ng agricultural production support ng pamahalaang panlalawigan sa mga BIAF-MILF farmers.
A dos ng Mayo, pinagkalooban ng tulong ng provincial government ang mga magsasaka sa ilalim ng 105th Base Command na pinamumunuan ni Kumander Haun Sindatok sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, at ang mga magsasaka ng 106th Base Command sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, gayundin ang mga farmer-recipients sa ilalim naman ng pamumuno ni Datu Akmad Ampatuan ng Mamasapano, Maguindanao del Sur.
Ang Arm to Farm Program ay isa sa mga socio-economic, peace and security reform program ng Makabagong Maguindanao.