ARMAS NAREKOBER

Narekober ng militar ang isang mataas na kalibre ng armas at mga bala matapos maka-engkwentro ang grupo ni DI-Lanao leader Abu Zacaria sa Lanao del Sur
Ikinasa ng 51st Infantry Battation ang vehicular patrol matapos makatanggap ng report ang militar na namataan umano ang grupo ni DI-Lanao leader Abu Zacaria sakay ng isang puting SUV.
Nang mamataan ang sasakyan sa Barangay Gadongan, Pualas, Lanao del Sur, sinubukan ng mga sundalo na beripikahin ang sakay nito, pero ayon sa Western Mindanao Command, pinaputukan umano ang mga sundalo na nagresulta sa palitan ng putok.
Agad umanong tumakas ang mga armado.
Narekober ng militar ang isang M60 7.62mm General Purpose Machine Gun (GPMG) na mayroong 140 rounds ng bala.
Ayon kay Joint Task Force ZamPelan Commander, Maj. Gen. Antonio Nafarrete, nagpapatuloy ang pagtugis sa mga tumakas na miyembro ng grupo ni Zacaria