Kate Dayawan | iNEWS | October 29, 2021
Cotabato City, Philippines - 86 high-powered firearms, and 94 low-powered loose firearms, 779 assorted firearms, 291 anti-personnel mines, at iba pang mga pampasabog na narekober at nakumpiska ng 6th Infantry Division ang iprinisinta ng kampilan kay Army Commanding General Lt. Gen. Andres Centino sa isinagawang ceremonial demilitarization sa 6th Infantry Division (6ID) headquarters sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao araw ng martes.
Sinira at pinasagasaan sa pison ang mga ito.
Ito’y bilang bahagi ng 34th founding anniversary ng Kampilan Division.
Pinuri naman ni CGPA ang mga sundalo ng 6ID na pamumuno ni Maj. Gen. JuvyMax Uy sa tagumpay nito laban sa mga armadong grupo at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Central Mindanao.
