top of page

ARTIST’S SKETCH NG POI SA PAMBOBOMBA NG RURAL BUS SA PARANG, MAGUINDANAO, INILABAS NA NG PRO-BAR

Kate Dayawan

PARANG, MAGUINDANAO — Isinapubliko na ng Police Regional Office BAR, sa pamumuno ni Police Brigadier General Arthur Cabalona, ang artist’s sketch ng person of interest sa naganap na pambobomba ng Rural Transit Bus na ikinasugat ng anim na indibidwal sa Parang, Maguindanao noong Linggo ng umaga, April 24.


Base sa diskrepsiyon ng mga pasahero sa isinagawang imbestigasyon ng Parang Municipal Police Station ang lalaking nasa artist’s sketch ay nasa mahigit kumulang 40 taong gulang na, slim build, nakasuot ng kulay gray na sombrero, facemask, naka itim na jacket at may kulay asul na back pack.


Na halos tumugma naman sa still photo mula CCTV footage sa loob ng bus.


Samantala, mariin namang kinondena ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagsabog ng pampasaherong bus.


Nananawagan ito sa mga bus operators at ng mga land transport terminal na higpitan ang kanilang seguridad at laging makipag-ugnayan sa mga alagad ng batas.

0 views
bottom of page