top of page

ASG MEMBER, PATAY, MATAPOS MAKA-ENGKWENTRO ANG MILITAR SA SULU

Fiona Fernandez I iMINDS PHILIPPINES


Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos makasagupa ang mga sundalo ng Joint Task Force (JTF) Sulu sa Barangay Bungkaong, Patikul, Sulu nitong Huwebes ng gabi, October 13.


Sa ulat mula sa 11th Infantry Division, ayon kay 11th ID at JTF Sulu Commander Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, nagpapatrolya ang militar matapos makatanggap ng

Photo courtesy : JTF Sulu


impormasyon mula sa isang concerned citizen kaugnay sa presensya ng ASG member sa naturang barangay.


Nang makumpirma, doon na nga nakasalubong at nakasagupa ang tropa si Alyas Ben Saji.


Sa isinagawang clearing operation, narekober ng militar ang labi nito, kasama ang isang 5.56 M16A1 rifle; isang M16A1 magazine; 28 rounds 5.56mm live ammunitions; isang 40mm ammo; at, mga personal na gamit.


Nai-turn over na ang nga labi ni Saji sa Local Government Unit ng Barangay Bungkaong.


END


0 views
bottom of page