top of page

ASG MEMEBR, INARESTO NG PULISYA SA KASONG MURDER AT ILLEGAL POSSESSION OF FIREARMS

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Nakapiit na sa kulungan ang saysenta anyos na si Mahari Araji, isang Abu Sayyaf Group member.


Sa report mula sa Area Police Command-Western Mindanao, alas kwatro ng madaling araw kahapon, inaresto si Araji ng pulisya sa kanilang tahanan sa Sitio Tugamot, Barangay Katian, Indanan, Sulu sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong double murder, murder with arson, murder, at illegal possession of firearms na inisyung ng korte ng Parang, Sulu,


Pinaniniwalaang sangkot din ang suspek sa naganap na kidnapping taoobg 2000 kung saan, nasa dalawampu’t isang Pilipino at foreugners sa Sipadan, Malaysia.


Si Araji ay kabilang sa grupo ni Sulu-based ASG leader Ghalib Andang alias Commander Robot na siyang sangkot sa mga kidnapping incidents ag iba pang terorismo sa Sulu.


Kilala ang grupo ni Andang matapos dikutin ng nga ito ang nasa dalaaampu’t isang katao na kung saan, karamihan ay european national.


Nadakip si Andang taong 2003 at nasawi matapos mabaril kasama ng iba pang naarestong ASG leaders dahil sa naganap na prison riot taong 2005 sa Taguig City.

Sa ngayon, si Aradji ay nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group para sa wastong diaposisyon

12 views
bottom of page