ASIAN DEVELOPMENT BANK

PBBM, IPINANGAKO ANG EPEKTIBONG PAGGAMIT SA LOAN AT TEKNIKAL NA TULONG MULA SA ASIAN DEVELOPMENT BANK
Presidential Communications Office - Ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang epektibong paggamit sa loan at teknikal na tulong mula sa Asian Development Bank (ADB), maging ang pagtatapos ng mga proyekto sa itinakdang oras.
Inihayag ng Pangulo sa ADB Reception at miting kahapon, Mayo 22, ang kanyang pasasalamat sa ADB, na nananatiling katuwang ng bansa sa pagpapalago ng ekonomiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng bawat Pilipino.
Ayon kay PBBM, sa loob ng siyam na buwan ng kaniyang pamumuno, tatlong strategic programs na ang nalagdaan sa pagitan ng pamahalaan at ADB, kasama rito ang climate change mitigation plan, infrastructure projects sa ilalim ng “Build Better More”, at mga hakbang para sa sapat na suplay ng pagkain, tubig, at enerhiya.