ASSETS AND PROPERTIES

Nagsagawa ng coordination meeting sa pagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng MOTC para sa turn-over ng mga natitira pang assets at properties.
Photo Courtesy: LTFRB - BARMM
Nagpulong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng MOTC. Tinalakay sa pulong ang mga natitira pang assets at properties na hindi pa natu-turn over sa BLTFRB.
Kabilang sa dumalo sa naturang meeting ang lahat ng miyembro ng LTFRB national Board sa pangunguna ni LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadez III, LTFRB Region 12 Director, Col. Paterno Reynato Padua, MOTC Director-General, Atty. Roslainie Macao-Maniri, Bangsamoro Airport Authority OIC Director I, Atty. Hanamir Emblawa, BLTFRB-BARMM OIC Director I Atty. Bai Sandra Sandilan, BLTFRB Chief Kaizer Nasilin, at Legal Assistant Johana Akmad.
Napagkasunduan sa pulong ang turn-over ng mga natitira pang assets at properties kabilang na ang data ng mga prangkisa sa Cotabato City sa May 5, 2023.
Ayon kay BLTFRB-BARMM OIC-Director I Atty. Sandialan, mahalaga ang magaganap na turn-over para sa nalalapit na anti-colorum operation ng opisina.