Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sa pamamagitan ng isang liham na nilagdaan ni Executive Secretary Vic Rodriguez…
Inanunsyo kamakialan lamang sa Malacanang ang pagpili ni President Bongbong Marcos Jr. kay Atty. Noli Eala bilang bagong chairman ng Philippine Sports Commission.
Papalitan nito si William Butch Ramirez na natatanging Chairman na nagsilbi ng dalawang termino, mula 2005 hanggang taong 2009 sa ilalim pa ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo hanggang 2016 sa administrasyon naman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngunit bago pa man mai-appoint bilang bagong PSC Chairman si Atty. Eala, isa na siyang sports figure sa loob ng maraming taon. Siya rin ang ika-anim na Comissioner ng Philippine Basketball Association na nagsilbi mula taong 2003 hanggang taong 2007.
Naging broadcaster din ito sa isang radio program sa bansa.