top of page

AWAY NG 2 PAMILYA SA SULTAN MASTURA, MAGUINDANAO TINULDOKAN NA SA PAMAMAGITAN NG RIDO SETTLEMENT.

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 22, 2022

Photo courtesy : Agila ng Maguindanao


Cotabato City, Philippines - Tinuldukan na ng Provincial Government ng Maguindanao ang mahigit sampung taon girian ng pamilya Oka Balabagan Macarimbang at Sabila Lumbos Usman / Daudie Usman Mamadra sa bayan ng Sultan Mastura.


Ito’y matapos na mapayapang naisagawa kahapon ang rido settlement sa pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na ginanap sa Barangay Balut, Sultan Mastura, Maguindanao.


Ang girian ng dalawang pamilya ay nagresulta na umano sa pagkalagas ng maraming buhay.


Dumalo sa nasabing rido settlement ang mga kinatawan mula sa Moro Islamic Liberation Front, PNP, AFP, MP Datu Tucao Mastura, Datu Mando Mastura at iba pang opisyal sa lalawigan.


Napagkasunduan ng magkabilang panig na tuluyan ng wakasan ang kanilang hidwaan at alitan.


Iaatras na rin umano ng magkabilang panig ang mga kasong isinampa sa bawat isa.


Nagpasalamat naman ang magkabilang grupo sa suporta ng Gobyernong may Malasakit sa Maguindanao.


End.


4 views
bottom of page