AWAY SA LUPA SA BAGOINGED
Umapela ang Maguindanao del Norte Provincial Police Office sa lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat na tulungan silang maresolba away sa lupa na sanhi ng pag-igting ng bakbakan sa Barangay Bagoinged noong weekend na nagresulta ng paglikas ng mga residente.
Lumikas ang ilang residente ng Bagoinged, Datu Odin Sinsuat, hapon noong Biyernes, Abril a bente otso, matapos magkabakbakan ang grupo ng isang kumander Doy Camsa ng Sitio Chicago, Bagoinged at isang kumander Udi Sumlay mula sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang.
Umapela si Maguindanao del Norte PPO Officer-in-charge, PCol James Gulmatico sa lokal na pamahalaan na tulungan silang resolbahin ang away sa lugar na ugat ng dahilan ng gulo.