Kael Palapar

BANGSAMORO REGION - Taong 2019 ng maitatag ang programang Ayudang Medikal sa Bangsamoro Government o AMBAG bilang isa sa mga espesyal na programa sa ilalim ng opisina ng Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM
Simulan noon, umaabot na sa mahigit dalawang daang milyong piso ang kabuuang tulong at gastos sa medical bills ang naipaabot sa mga mahihirap na pasyente.
Ayon kay AMBAG Program Manager, Cabinet Secretary Mohd Asnin Pendatun, aabot na sa tatlumpung ospital sa loob at labas ng Bangsamoro Region ang kasalukuyang partnered hospital ng programang AMBAG.
Kabilang dito ang Southern Philippines Medical Center sa Davao City at Sarangani Provincial District Hospital sa probinsya naman ng Sarangani.
Dagdag pa ni Pendatun, kinakailangan lang umanong ipakita ng mga pasyenteng nagnanais ng medical assistance ang kanilang final bill at medical abstract sa AMBAG desk officers sa mga partnered hospital para sa agarang assessment.
Mag-i-issue naman ng endorsement letter ang mga AMBAG desk officers na nagsasaad kung magkano ang ibabawas sa kanilang hospital bills.
Ang mga pasyenteng may bill na lalampas sa sampung libong pisong inisyal na limitasyon ay ipapasa sa AMBAG Management Office para sa mga karagdagang arrangements.