top of page

BABAE, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION NG PNP SA MARAWI CITY: P272K NA HALAGA NG DROGA, NASAMSAM!

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 25, 2022

Photo courtesy : PNP PRO BAR


Cotabato City, Philippines - Timbog ang bente nwebe anyos na si Cairon matapos na positibong mabilhan ng iligal na droga sa inilunsad na drug buy-bust operation ng PNP sa Barangay Patani, Marawi City noong Miyerkules, March 23.


Sa report mula sa Police Regional Office BAR, isang poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa suspek at matapos na positibong maabot ang hinihinalang shabu ay doon na lumapit ang operating unit na binubuo ng Marawi City Police Station, Molundo Municipal Police Station kasama ang 500 Combat Engineer Battalion ng Philippine Army.


Nakumpiska mula sa suspek ang 40 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P272,000.


Bukod dito, nakuha rin ang isang cellphone at isang genuine 1000 peso bill na nasa ibabaw ng isang bundle na boodle money.


Agad na dinala ang suspek sa Marawi CPS para sa dokumentasyon habang ang mga narekober na ebidensya ay isinumite sa Cotabato Crime Laboratory para sa eksaminasyon.


Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng suspek.


Pinuri naman ni PBGen Arthur Cabalona, Regional Director ng PRO BAR, ang walang humpay na pagsisikap ng mga operatiba masugpo lang ang iligal na droga sa rehiyon.


End.



5 views
bottom of page