BABAE, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA SULU; 340,000 NA HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, NASAMSAM!

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES


Nasa 340,000 pesos na halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa ikinasang Joint Search Warrant Operation ng PDEA Sulu at iba pang Operating Units na nag resulta din ng pagkaka-aresto ng trentay y dos anyos na babae na kinilala na si alyas Ellay sa Sitio Campagayo, Barangay Masjid Pinjungan, Kalingalan Caluang, Sulu Province nitong September 24.

Photo Courtesy: PDEA BARMM


Ayon sa otoridad, ang asawa umano ni Alyas Ellay na si Alyas Bas ang target ng operasyon.


Nakuha rin sa operasyon ang ilang Drug Paraphernalia, IDs, pitong pirasong bala at isang hand grenade.

Nahaharap na si Alyas Ellay sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591.

8 views