Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 7, 2022

Photo courtesy : PNP PRO BAR
Cotabato City, Phils - Arestado sa Jolo, Sulu ang isang lalaki na nagpadala ng parcel sa barko patungong Zamboanga City matapos madiskubre ang isang transparent sachet ng hinihinalang shabu sa isang record book na isinilid sa isang brown envelope.
Sa report ng PNP BARMM, 4.6 gramo ng hinihinalang shabu ang kinumpiska mula sa isang nagngangalang Aldaren, a kwatro ng Marso, 2022 sa Jolo Pier, Barangay Walled City, Jolo, Sulu.
Sa imbestigasyon ng Jolo PNP, isang nangangalang Murid umano ang nakiusap sa kanya na ipadala sa barko ang parcel kapalit ng singkwenta pesos na halaga ng pera. Agad nagsagawa ng follow-up operation ang otoridad at nahuli si Murid sa Sitio PMC, Bus-Bus, Jolo Sulu.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 otherwise known as Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang inihahanda na laban sa mga naaresto.
Pinuri naman ni PNP BARMM, Regional Director, Police Brigadier General Arthur R Cabalona ang matagumpay na opersyon ng Jolo PNP. Hiling nito sa publiko na tulungan ang PNP sa kampanya kontra iligal na droga.
End