Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Boluntaryong sumuko sa mga otoridad si Edward Questo Gumban na taga Sitio Sabaken Barangay Bungcog, Upi , Maguidnanao.
Ayon sa Upi PNP, sinaksak at napatay ni Gumban ang kanyang live-in partner na si Antonnete Angkao Indong, bente tres anyos at residente ng Barangay Tapian, DOS,Maguindanao.
Photo courtesy: DXMS
Naganap ang krimen kahapon ng umaga sa mismong tinitirhan ng mga ito sa Barangay Nuro, Upi , Maguidnanao
Ayon sa PNP, base umano sa salaysay ng suspek, nadatnan umano nito ang biktima na may ibang ka-video call na lalaki dahilan para magawa nito ang krimen dala ng matinding selos.
Nagkaroon pa umano ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa jail facility ng Upi MPS at sinampahan na ng kasong murder.
End