Kristine Carzo | iNEWS | October 12, 2021
Cotabato City, Philippines - Sumakabilang buhay habang ginagamot sa ospital ang isang babaeng negosyante na binaril sa Cotabato City.
Pasado alas nuwebe ng umaga kahapon araw ng lunes, habang nakatayo ang biktima sa harapan ng kanyang botika sa bahagi ng Peñafrancia, Andres Alonzo Sreet, Rosary Heights 11 ay bigla itong nilapitan ng hindi pa nakilalang suspek at pinagbabaril ang biktima.
Kinilala ang biktima na si Dessirie Jumalon Rabia na residente rin ng naturang barangay.
Nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan ang biktima na nagmula sa isang Cal .45 pistol.
Samantala nasakamay na rin ng mga otoridad ang kopya ng CCTV Footage sa naganap na insidente.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng PNP upang matuloy ang suspek at motibo sa krimen.