BABALIK MUNA SA DEL SUR

Nagpaabot ng komunikasyon si Maguindanao del Norte OIC Governor Abdulraof Macacua kay Maguindanao Elected Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu hinggil sa estado ng mga empleyado na nailipat sa Norte. Ano nga ba ang magiging kapalaran ng mga empleyado ng probinsya na nailipat sa Norte, narito ang impormasyon na ibinahagi ni MILG Minister, Atty. Naguib Sinarimbo.
Naiipit sa masalimuot na isyu ng pulitika sa kontrobersyal na liderato sa probinsya ng Maguindanao ang mga 237 emplooyees na nailipat sa Maguindanao del Norte.
Tinungo ng newsteam ang bayan ng Datu Odin Sinsuat partikular ang tanggapan kung saan nag-oopisina ang mga nailipat na empleyado.
Sa ilalim kasi ng Republic Act 11550, sa bayan ng Datu Odin Sinsuat ang magiging seat of government ng bagong tatag na lalawigan.
Pero kapansin pansin kahapon na mula sa 237 employees, mahigit kumulang limampu lang ang naroon.
Tumanggi man silang magbigay ng pahayag pero ramdam ang pagkalito ng mga ito kung saan at kanino susunod.
Ano na nga ba ang magiging kapalaran ng mga empleyado na nailipat sa norte? Sa pahayag ng MILG-
Nagpaabot ng komunikasyon si Maguindanao del Norte OIC Governor Abdulraof Macacua kay Maguindanao Elected Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu hinggil sa estado ng mga empleyado na nailipat sa Norte.