BAGONG BARANGAY HALL

MILG, ITINURN-OVER ANG 4 NA 2-STOREY BARANGAY HALLS AT 1 NA 3-STOREY BARANGAY HALL SA IBA’T IBANG BAYAN SA LANAO DEL SUR
Lanao del Sur - Apat na 2-storey barangay halls at 3-storey barangay hall ang itinurn-over ng MILG sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Lanao del Sur.
Tuloy ang paghahatid ng serbisyo ng BARMM Government para mapabuti ang local governance ang probinsya ng Lanao del Sur, bahagi dito ang state-of-the-art government centers.
Sa apat na araw na pagbisita ni MILG Minister Atty. Naguib Sinarimbo sa lalawigan, itinurn-over ng tanggapan ang apat na 2-storey barangay halls sa iba’t ibang bayan sa probinsya at isang 3-storey barangay hall sa bayan ng Amai Manabilang.
Ayon kay Minister Sinarimbo ang mga proyektong ito ay pinondohan ng regional government ay magbibigay ng oportunidad sa lahat ng residente at pagbutihin pa ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Pinulong din ng opisyal ang provincial staff sa isang focus-group discussion upang maging epektibo ang pagganap sa katungkulan ng mga opisyal at pagappatakbo ng tanggapan gayudin ang mga isyung umiiral sa kani-kanilang barangay.