Kate Dayawan | iNEWS | September 14, 2021
Cotabato City, Philippines - Nasa gitna pa man ng paglaban sa pandemya dulot ng COVID-19, ipinagpapatuloy rin ng lungsod ng Zamboanga ang laban kontra sa iba pang sakit at kabilang na dito ang cancer.
Kamakailan lang ay binuksan na sa publiko ang West Metro Cancer Center, ang 730 sqm facility houses state of the art radiation therapy equipment.
Ang radiation therapy or radiotherapy ay ginagamit sa paggamot ng cancer. Ginagamit dito ang mataas na doses ng radiation upang mapatay ang cancer cells at malusaw ng tumor na may extraordinary precision.
Ito ang ikalawang pasilidad na naitayo sa Zamboanga City habang kauna-unahan namang private cancer center sa buong rehiyon ng Zamboanga Peninsula.
Ang paglulunsad nito ay upang bigyan ng marami pang option sa paggamot ang mga cancer patient.
Dahil dito, hindi na kinakailangan pang pumunta ng Metro Manila at sa iba pang syudad ang mga pasyente para lamang sa kanilang radiation therapy.
Matatagpuan ang nasabing pasilidad sa tabi ng West Metro Medical Center sa Veterans Avenue Extension.
Ang cancer center na ito ay isang one-stop shop para cancer treatments at diagnostic procedures.
Bukod sa radiation therapy, mayroon ding medical at surgical cancer treatments ang Cancer Center at maging ng advanced diagnostic and laboratory services upang gamutin ang full range ng malignancies with extraordinary precision.

Photo by: City Government of Zamboanga