BAGONG PUBLIC MARKET

ISINASAGAWANG PUBLIC MARKET SA AMAI MANABILANG, LANAL DEL SUR, MALAPIT NANG MATAPOS
Lanao del Sur - Malapit nang matapos ang Isinasagawang konstruksyon ng public market ng Amai Manabilang, Lanao del Sur na magbibigay ng dagdag na revenue sa lokal na pamahalaan.
Itu-turn-over na ng Ministry of the Interior and Local Government ang isinasagawang public market sa Amai Manabilang, Lanao del Sur.
Sa isinagawang monitoring ng MILG, malapit nang matapos ang konstruksyon ng palengke.
Ang proyekto ay nahati sa dalawang parte, ito ay ang hard o infrastructure component at soft component, kung saan ituturo sa LGU ang paglalagay ng Municipal Economic and Enterprise Development Office.
Ayon sa MILG, ito ay ang corporate arm na nakatutok sa pangangalaga at pagpapanatili sa kaayusan ng palengke.
Ayon kay MILG Minister Atty Naguib G Sinarimbo, magbibigay ng business and employment opportunities sa mga residente ang palengke. Mabebenta na rin ng mga magsasaka mula sa eastern part ng Lanao ang kanilang mga produkto.
Ayon sa opisyal, matatagpuan sa mga MILF communities ang magandang klase ng mga gulay tulad ng lettuce at kamatis.