top of page

BAGONG RUTA SA SULU | MEMORANDUM CIRCULAR


Nagbukas ng bagong ruta sa lalawigan ng Sulu ang Ministry of Transportation and Communications. Nagpalabas din ang ahensiya ng memornadum circulars bilang paghahanda sa isasagawang anti-colurum operation.


Aprubado na ng Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng Ministry of Transportation and Communications ang pagbubulas ng bagong bukas na ruta sa lalawigan ng Sulu.


Photo Courtesy: MOTC BARMM


Sa ikatlong board meeting ng tanggapan noong April 19, 2023 ang mga sumusunod na biyahe ay sinimulan na:


1. Jolo Public Market - Bilaan, Talipao at vice versa

2. Jolo Public Market - Panamao at vice versa

3. Jolo Public Market - Luuk at vice versa

4. Jolo Public Market - Maimbung at vice versa

5. Jolo Public Market - Parang at vice versa.


Samantala, nagpalabas na rin ang ahensiya ng Memorandum Circulars hinggil sa Certificate of Public Convenience. Kabilang dito ang mga alituntunin at detalyadong standard operating procedures sa pagsasagawa ng anti-colorum operations, at mga parusa sa mga colorum na sasakyan bilang paghahanda sa nalalapit na anti-colorum operation ng opisina.

7 views0 comments