top of page

BAGYO NA BINABANTAYAN NG PAGASA NAKAPASOK NA NG PAR AT TINAWAG ITO NA TROPICAL STORM "INDAY."

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Sa datos mula sa PAGASA, makikita sa ating i-weather center na tuluyan na ngang nakapasok ng bansa ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng PAR at ito'y tinawag ngayon na Tropical Storm "Inday." And as of 5 AM huling namataan ang bagyong Inday sa layong 1, 215 kilometers silangan ng Central Luzon.


May lakas ng hangin ito na umaabot sa 75 kilometers per hour malapit sa sentro at may pagbugso naman na aabot sa 90 kilometers per hour.


Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.


Ngunit sa kasalukuyan ay wala pang direktang epekto ang bagyo sa malaking bahagi ng bansa.


Ang Luzon at Visayas ay makakaranas ng maaraw na panahon na sasamahan lang ng mga localized thunderstorm at walang anumang kinalaman kay bagyong Inday.


Samantala, Intertropical Convergence Zone o ITCZ naman ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng Mindanao.


At para naman sa ating magiging panahon bukas..


Sa Cotabato City, maglalaro sa 24 - 32 degrees Celsius ang agwat ng temperatura at 70% ang chance of rain.


Sa Maguindanao, papalo rin mula 24- 34 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 90% ang chance of rain.

Sa South Cotabato naman, maglalaro mula 22 – 32 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 80% ang chance of rain.

22- 33 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura bukas North Cotabato at 90% ang tsansang uulan.

Sa Zamboanga City, mula 25-30 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura at 80% ang chance of rain.

Habang sa Lanao del Sur naman, papalo mula 17-26 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 70% ang chance of rain.


Sumikat ang araw kaninang 5:45 ng umaga at lulubog 6:03 ng hapon.

0 views
bottom of page